Pangulong Duterte, nakipagpulong kay Nur Misuari sa Davao City

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa Davao City.

Ayon kay Senator Christopher ‘Bong’ Go, may ilang ipinarating na concerns si Misuari na ipinangako naman ng Pangulo na pag-uusapan sa gabinete.

Hindi idinetalye ni Go ang naging pag-uusap ng dalawa.


Hindi ito ang unang beses na nagpulong sina Misuari at Pangulong Duterte sa Malacañang upang talakayin ang usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments