Mga aktibidad na papayagan sa ilalim ng Alert Level 2, inilatag ng IATF

Inilatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga aktibidad na papayagan sa ilalim ng Alert Level 2.

Kasabay ito ng pagsasailalim na simula ngayong araw ng Metro Manila sa mas mababang alert level dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng Alert Level 2:

1. Ipapatupad ang Intrazonal at interzonal na pagbiyahe pero hindi na ganoon kahigpit tulad ng ipinatutupad sa mas mataas na alert levels.

2. Papayagan na rin ang pag-ehersisyo sa labas ng tahanan para sa lahat ng edad, may comorbidities man o hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

3. Papayagan na rin sa 50% ang indoor capacity sa mga establisyemento (kabilang ang mga menor-de-edad kahit hindi pa nababakunahan) at 70% naman sa outdoor areas.

4. Maaari na ring magsagawa ng meetings, conferences at exhibitions maging ang social events tulad ng parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut, birthday parties, family reunions, at bridal o baby showers;
5. Papayagan na rin ang mga bisita sa tourist attractions, Recreational venues, maging ang pagsasagawa ng limited face-to-face o in-person classes

6. Hindi naman katulad ng Alert Level 3, papayagan na ang Film, music, at television production alinsunod sa direktiba ng gobyerno maging ang gathering ng mga hindi nakatira sa iisang bahay.

Ang mga aktibidad naman na hindi pa rin papayagan sa ilalim ng Alert Level 2 ay ang casinos, horse racing, cockfighting, lottery betting shops at iba pang gaming establishments maliban na lamang kung inaprubahan ng IATF o ng Office of the President.

Facebook Comments