Pagproseso ng kanselasyon ng isang COC, aabutin nang isang linggo – Comelec

Posibleng abutin ng anim na linggo ang pagproseso ng kanselasyon ng isang certificate of candidacy (COC).

Kasunod ito ng inihaing petisyon sa Comelec ng ilang grupo na nanawagan ng disqualification ni dating Senator at Presidential aspirant na si Bongbong Marcos.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, dalawang araw ang ibibigay nila para sumagot at tatlong araw para mag-submit ng memoranda.


Pero sa nasabing limang araw, nakadepende kung kelan niya matatanggap ang abiso.

Inilatag pa ng opisyal na ang pagpapadala ng notices at posibleng raffle next week ng kaso ay ilan sa mga proseso, dahilan kaya posibleng abutin ito ng isa’t kalahating buwan o anim na linggo.

Facebook Comments