Mga aktibidad ng mga sundalong Amerikano sa bansa, nadagdagan pa

Manila, Philippines – Hindi na limitado ang mga ginagawang aktibidad ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, normal o nagagawa na ng Estados Unidos ang kanilang mga nakalinyang aktibidad sa Pilipinas para sa taong ito.

Matatandaang una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil o bawasan ang mga exercises at iba aktibidad ng US military sa Pilipinas dahil sa pakikialam ni dating US President Barrack Obama sa nangyayaring umano’y extra judicial killings sa bansa.


Pero sa ngayon ayon kay General Año, utos ni Pangulong Duterte na mas maging palakaibigan sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga exercises.

Sa katunayan, mula sa dalawang daan at limangpu’t walong (258) na mga aktibidad sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pinoy na ginagawa ngayong taon sa bansa, aabot sa 261 na mga aktbidad o mga military exercises ang gagawin ng US military at sundalong Pinoy sa susunod na taon.

Ilan sa mga activities na ito ay ang mga table top exercises, conferences consultations, humanitarian assistance operation, paggawa ng mga eskwelahan at kalsada na bahagi ng mga military exercises katulad ng Philippine Bilateral Exercises, Balikatan exercises at Cooperation Afloat Readines and Training o CARAT.

Facebook Comments