Pagtaas sa kaso ng teenage pregnancy, nanatiling hamon ngayon sa Popcom Region 10

Nanatiling hamon ngayon sa Population Commission o Popcom Region 10 ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy.

Ito ang inihayag ni Popcom Regional Director Jeremias Gupit.

Dahil dito, nagsagawa ng sunod-sunod na film showing ang Popcom para sa mga high school students sa ilang paaralan sa Misamis Oriental.


Layon nito na maipaalam sa mga kabataan ang negatibong epekto ng maagang pakikipagtalik.

Isinagawa rin ng Popcom ang focus group discussion sa apat na short films na ipinakita sa mga kabataan para mas lalong maintindihan ng mga ito ang mensaheng ipinaabot ng pelikula.

By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments