Mga aktibidad sa kalsada sa pista ng Sto. Niño, ipagbabawal sa Maynila

Photo Courtesy: Manila PIO

Walang magaganap na anumang aktibidad sa mga kalsada at plaza sa Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa darating na weekend.

Partikular na ipinagbabawal ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagdaraos ng street party, parada, palarong pangkalye at stage show kaugnay ng pista ng Sto. Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Ang tanging pinapayagan lamang ay ang pagdaos ng misa sa mga simbahan.

Sa panig ng Sto. Niño de Tondo Cathedral, nilinaw nito na 15 misa lamang ang kanilang idadaos sa pista mula sa nakaugalian na 30 misa.

Patuloy naman na pinaplantsa ng Manila City Local Government Unit (LGU) ang mga ipatutupad na health protocols sa naturang kapistahan.

Facebook Comments