Manila, Philippines – Kasado na ang mga aktibidad ng grupo ng mga manggagawa sa Mayo 1 o Labor Day.
Ayon kay Associated Labor Unions Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay, lalahok sa gagawing pagkilos ang mga militanteng manggagawa mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Aniya, sisimulan ang kanilang aktibidad sa pamamagitan ng isang panalangin at pasasalamat.
Susundan ito aniya ng kilos protesta sa ganap na alas-8 ng umaga kung saan magmamartsa sila patungong Mendiola.
Facebook Comments