Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang calendar of activities para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa December 5.
Batay sa resolution no. 10831, itinakda sa October 6 ang pagsisimula ng election period para sa halalang pambarangay at SK.
ito’y kasabay ng unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy na tatagal hanggang October 13.
Bibigyan naman ang mga kandidato ng siyam na araw para mangampaniya mula November 25 hanggang December 3 habang ang isasagawa naman ang halalan sa December 5.
kailangan din na magsumite ang mga kandidato ng kaniyang Statements of Contributions and Expenditure (SOCE) hanggang sa January 4, 2023.
Nakatakda naman sa Setyembre ang pag-imprenta ng balota na gagamitin sa eleksyon.
Una nang inihayag ng poll body na 70% nang handa ang COMELEC para sa barangay at SK elections ngayong taon.