Binga at Magat dams, patuloy na nagpapakawala ng tubig

44

Dalawang dam sa Luzon ang patuloy na nagpapakawala ng tubig kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Florita.

Sa 6 a.m. bulletin ng PAGASA, bukas pa rin ang tig-isang gate ng Binga Dam sa Benguet at Magat Dam sa Isabela at Ifugao.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 572.65 meters ang lebel ng tubig sa Binga Dam na ilang metro lang ang agwat sa 575-meter spilling level nito.


Habang ang Magat Dam ay may reservoir water level (RWL) ngayon na 185.99 meters na ilang metro lang din ang layo mula sa 190-meter normal high water level nito.

Facebook Comments