Mga akusasyon ni Lascañas laban kay Pangulong Duterte, dapat seryosohin

42
Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan na dapat seryosohin ang akusasyon ni retired SP03 Arthur Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Diin ni pangilinan, hindi biro ang mga inihayag ni lascanas patungkol sa Davao Death Squad at ang kauganayan ni pangulong duterte sa mga pagpatay na isinagawa nito,
 
Sabi naman ng nakaditineng si Senator Leila De Lima, katulad ni Edgar Matobato ay may kredibilidad din si Lascañas.
 
Ito ayon kay delima, ay dahil si lascanas at matobato ay parehong may actual at direktang pagiging party sa maraming insidente ng pagpatay na si pangulong duterte mismo ang nag utos.
 
Bunsod nito, ang mga testimonya aniya nina lascanas at matobato ay base sa kanilang personal first-hand knowledge kaya mayroon itong mabigat na halaga.
 
Base sa mga ibinunyag ni Lascañas ay muling inakusahan ni De Lima si Pangulong Duterte ng pagiging kriminal o mamatay tao kaya sana aniya ay tulungan ng Dyos ang bansa at mamamayang Pilipino.

Facebook Comments