MGA ALAGANG BIIK SA BAYAMBANG, KINUHANAN NG BLOOD SAMPLE

Muling nagsagawa ng blood sample collection ang livestock banner team ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang at Provincial Veterinary Office sa mga alagang baboy na nasa ilalim ng Sentinel Program ng DA-RFO I.
Isinagawa ang pagkolekta, 40 days matapos matanggap ang naturang mga baboy ng 15 beneficiaries sa iba’t-ibang barangay.
Matatandaang kamakailan ay nabigyan ng sertipikasyon ang Bayambang para sa Pink Zone status ng African swine fever o ASF mula sa Red Zone.

Ang aktibidad namang ito ang magiging basehan upang ang bayan ay maideklara at mailipat na mula ASF Pink Zone to Yellow Zone. | ifmnews
Facebook Comments