Mga alagang hayop, kasama sa natupok ng sunog sa Caloocan City

Isa lamang ang nakaligtas sa mga alagang hayop kabilang ang mga aso, pusa at lovebirds ng isang pamilya at nasawi sa nangyaring sunog sa Baltazar 2 street, Barangay 69, Caloocan City.

Ayon kay Naomi Zulueta, may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog, nagluluto siya ng pagkain para sa mga alaga at iniwan lamang saglit para buksan ang washing machine.

Makalipas lamang aniya ang ilang sandali ay nakita niyang malaki na ang apoy nang balikan ang kusina dahilan upang agad siyang tumakbo palabas ng bahay.


Wala namang naisalbang mga kagamitan at mga hayop si Zulueta kung saan nasa 20 aso, 5 pusa at 5 pares ng lovebirds ang kasamang natupok ng apoy.

Napag-alamang nakakulong sa likurang bahagi ng kanilang bahay ang mga nasabing alaga kung kaya’t walang nakaligtas sa kanila.

Samantala, nadamay rin sa sunog ang katabi nitong apartment at umabot pa ito sa ikalawang alarma bago maapula ang apoy.

Facebook Comments