Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magandang balita sa mga may alagang hayop dahil kagaya ng ilang tren sa Metro Manila ay maaari na ring isakay ang mga alagang hayop sa Pasig Ferry.
Ayon sa MMDA, papayagan na ang mga pasahero na isama sa biyahe ng ferry ang kanilang mga alagang hayop gaya ng aso at pusa.
Base sa panuntunan na inilabas ng MMDA, kailangan ay nasa carrier o kulungan ang mga alagang hayop at dapat tiyakin din na hindi ito magiging banta sa iba pang mga pasahero ng ferry.
Paliwanag ng MMDA ang pasahe sa Pasig Ferry na may 13 Station at dumadaan sa Maynila, Makati, Mandaluyong at Pasig ay nananatiling libre hanggang ngayon maging ang pagsasakay ng mga alagang hayop.
Facebook Comments