Mga alagang hayop, papayagan nang maisakay sa LRT-2

Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula sa buwan ng Pebrero ngayong taon ay papayagan na ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na maisakay sa tren ang mga alagang hayop.

Sinabi ni LRTA General Manager Hernando Cabrera, idineklara nilang pet friendly ang LRT-2 para lamang sa mga aso at pusa.

Paliwanag ni Cabrera na bago payagan na maisakay ang mga alagang hayop, dapat ito ay nasa kulungan, may diaper, fully vaccinated at hindi masyadong malaki.


Dagdag pa ng opisyal na maglalabas ng guidelines ang LRTA bago ipatupad ang pagpapasakay ng mga animal pet.

Sa ngayon, ang mga alagang hayop ay pinapayagan ng maisakay sa MRT-3 mula pa noong nakaraang taon.

Facebook Comments