Mga alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT Line 2

Epektibo February 1 ay maari nang isakay sa LRT Line 2 ang mga alagang hayop katulad ng aso at pusa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera na dapat ay fully vaccinated ang mga alagang hayop.

Dapat rin nakalagay sa maayos at malinis na kulungan at kung posible ay maliliit lamang o katamtamang laki ng alaga pero naka-diaper para hindi makaabala sa ibang mga pasahero.


Siniguro naman ni Cabrera na nakahanda silang mag-adjust ng mga patakaran para sa pagpapatupad nito.

Ang hakbang na ito ng LRTA ay para gawing pet friendly ang sistema.

Umaasa naman si Cabrera na sa mga susunod na panahon ay makapagpapatupad na rin ng ganitong programa ang LRT Line 1.

Facebook Comments