Maaga nang hinaharvest ngayon ng ilang poultry raisers ang kanilang mga inaalagaang mga manok dahil sa patuloy na nararanasang mainit na panahon.
Ayon sa ilang poultry raisers dahil sa mainit na panahon kung kaya’t maaga na nilang hinaharvest ang kanilang mga alagang manok upang hindi na madamay o mamatay ang mga ito dahil sa heat stroke.
Dagdag pa ng mga ito, makakamenos na umano sa kanila kung hindi na aabutin ng 45 days ang mga manok dahil ayon pa sa kanila nagiging matakaw na ang mga ito ng pagkain.
Isa pa sa dahilan ng maagang harvesting sa mga manok ay dahil sa pagkakaroon ng mataas na demand ng manok sa merkado at dahil dito nagkakaroon ng regular na monitoring ang iba’t ibang Veterinary Office sa mga bayan sa Pangasinan upang i-monitor ang mga karne ng manok na ipinapasok sa bawat palengke kung ito ba ay may kumpletong papeles.
Samantala, sa bayan naman ng Malasiqui, dahil harvesting season ngayon, ay nagsilabasan na naman ang mga langaw na siyang reklamo ng mga residente dito at lubhang naapektuhan ang mga kabahayan na malapit sa mga poultry.

Facebook Comments