Mga alegasyong ibinabato ng mga taga-oposisyon, hindi dapat paniwalaan ng publiko – PRRD

328

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag maniwala sa mga ibinabatong akusasyon ng mga taga-oposisyon.

Ito ay may kaugnayan sa mga ulat hinggil sa lumalagong yaman ng kanilang pamilya.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, kagabi ipinaliwanag ng Pangulo kung saan nanggaling ang kanilang yaman.

Tumanggi ang Pangulo kung saan niya itinatago ang kaniyang yaman dahil baka mabiktima pa siya ng mga magnanakaw.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na kinukwestyon ang wealth declarations at business interest ng presidential family.

Facebook Comments