Mga alkalde na sangkot sa droga, binalaan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde na sangkot sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-19 na anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa MalacaƱang kagabi.

Ayon sa pangulo, nakahanda siya sakaling kwestyunin siya sa korte hinggil rito.


Nagbabala rin ang pangulo sa Commissioner on Human Rights na patuloy na bumabatikos sa kaniyang war in drugs.

Giit pa ng pangulo, sasampahan niya ng economic sabotage ang pamilya Preto at isasama ang mga ito kay Senador Leila de Lima sa kulungan.

Facebook Comments