Wala pa ring tugon sa ngayon ang Department of Education (DepEd) sa kahilingan ng mga alkalde sa probinsya ng Abra na huwag munang simulan ang klase sa August 22 sa naturang lalawigan.
Ayon sa panawagan ng mga Mayor ng Abra, dapat iurong pa ng isang buwan ang pagbubukas ng klase sa kanilang lalawigan upang lalo pa itong mapaghandaan.
Anila, kailangan pa ng mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang mga gusali na nasa ligtas na kalagayan.
Una nang inihayag ni Education Spokesperson Atty. Michael Poa na nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan ng Abra para suriin ang mga paaralan na tinamaan ng magnitude 7 na lindol.
Posible aniya ang paglalagay ng temporary learning space upang magamit ng mga guro at estudyante.
Facebook Comments