Mga anak ng napatay na terrorist leader Omar Maute, itu-turn over sa DSWD

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang Iligan PNP sa DSWD para sa pangangalaga at kustodiya ng anim na menor de edad na anak ng napaslang na terrorist leader na si Omar Khayam maute.

Ito ay ayon kay PNP Regional Office 10 director Police Chief Supt Tim Pacleb makaraang maaresto ang Ina ng mga bata na si Minhati Madrais Maute alias baby, na asawa ni Omar Maute.

Si Minhati ay nahuli sa ilalim ng Arrest, Search, and Seizure Order number 1 kahapon ng alas-9 ng umaga sa isang joint operation ng JTF Ranao, sa isang bahay sa Steele Makers Village, Tubod Iligan City.


Kasama ni Minhati nang siya’y arestuhin ang kanyang anim na anak.

Ito ay apat na batang babaeng may mga edad na 12, 10, 7, at 6 na taon, at dalawang batang lalaki na may edad na 2 taon at 9 na buwan.

Dinala si Minhati kasama ang kanyang mga anak sa Iligan Police Office.

Facebook Comments