Mga anti-death penalty congressmen, tinawag na puppet at bullies ang liderato ng kamara

32
Matapos mapagbotohan kagabi ang pagbabalik sa parusang kamatayan, galit at dismayado ang mga anti-death penalty congressmen sa mabilis na proseso ng panukala.
Dahil dito tinawag ni Albay Rep. Edcel Lagman ang Mababang Kapulungan na chamber of bullies and puppets dahil sa railroading ng House Bill 4727.
Naninindigan si Lagman na direktang sinasagasaan ng house leadership ang rules ng Kamara para ma-railroad ang panukala.
Sinasagasaan din ang kanilang karapatan na magpahayag ng pagtutol dito.
Ipinapaalis din ni Lagman sa records ng Kamara ang pahayag ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang sinabi nitong hindi naman honest to goodness ang kanilang mga itinutulak na amiyenda sa parusang kamatayan dahil ito ay nakakainsulto para sa mga anti-death penalty.
Gagawa pa rin ng paraan ang oposisyon para mahadlangan ang tuluyang pagapruba sa huling pagbasa sa death penalty bill sa Marso a otso.

Facebook Comments