MGA APEKTADONG ESTABLISYEMENTO SA NANGYAYARING KONSTRUKSYON NG ROAD ELEVATION AT DRAINAGE UPGRADES SA DAGUPAN CITY, TINIYAK NA MATUTULUNGAN NG LGU NG LUNGSOD

Tiniyak ang tulong na maipapaabot para sa mga apektadong establisyimento o mga hanapbuhay sa kasalukuyang konstruksyon ng Road Elevation at Drainage Upgrades particular sa kahabaan ng Arellano at AB Fernandez ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Fernandez.
Ani umano ng alkalde na kung mithiin ng mga business owners na mayroong ayusin sa kinatatayuan ng kanilang negosyo ay katuwang ang City Engineering Office, matutulungan umano ang mga ito ng libre.
Sa naganap din na dayalogo umano sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga may-ari ng nagsitayuang mga negosyo ay pumayag naman daw umano ang mga ito na umatras dahil na rin aminado umano ang sila na nakain na ng kanilang pwesto ang sidewalk.

Samantala, imungkahi pa ng alkalde ang ukol sa kahalagahan ng budget ng siyudad para sa taong 2023 upang maisakatuparan ang mga proyekto at programang lubos makatutulong para sa kapakanan ng bawat Dagupeno at upang mabigyan solusyon din ang mga suliraning ipinapahayag ng mga concerned citizens ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments