Bibigyan ng pansamantalang trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Sa ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte sinabi nitong 10 araw na may sweldong katumbas ng minimum wage sa rehiyon o ₱400 kada araw ang ipagkakaloob sa mga magiging benepisyaryo ng programa lalo na sa mga high risk area o mga nakatira sa bayan ng Agoncillo, Laurel, San Luis, Calatagan at Calaca.
Ani Bello, inatasan na niya ang kanilang finance officer na maghanda ng ₱50 milyon hanggang ₱100 milyon sakaling madagdagan pa ang mga naapektuhang residente.
Facebook Comments