Provincial Director ng Pampanga, tinanggal na sa pwesto dahil sa 10 tauhan na sangkot sa pagnanakaw

223

Inalis na sa pwesto ng Police Regional Office 3 ang Provincial Director ng Pampanga na si Police Col. Robin Sarmiento.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, tinanggal sa pwesto si Sarmiento dahil sa isyu ng command responsibility.


Nasangkot kasi ang 10 tauhan nito sa pagnanakaw sa compound sa Barangay Duat, Bacolor sa kasagsagan ng operasyon sa tupada noong March 19.

Pinalitan si Sarmiento ni Police Colonel Jonas Amparo na ngayon ay Officer-in-Charge ng Pampanga Police.

Matatandaang sinibak sa puwesto ang 10 tauhan ng Pampanga Police dahil sa reklamo ng pagnanakaw sa mahigit 370 ,000 cash at iba pang mga mga kagamitan.



Sinampahan na ng kasong kriminal at nahaharap sa hiwalay na kasong administratibo sa Internal Affairs Service ng PNP ang sampung pulis.

Facebook Comments