Posible nang magbukas sa mga susunod na linggo ang ilang resort sa unang distrito ng La Union na apektado ang operasyon matapos ang hagupit ng bagyong Emong.
Dahil sa bagyo, nasa 88 establisyimento ang pansamantalang nagsara para isaayos ang istruktura na nakaapekto sa kabuhayan ng 495 empleyado.
Kabilang sa pinadapa ng bagyo ang Poro Community Airport at dekadang taon nang landmark cafe malapit sa kapitolyo sa San Fernando City.
Base sa datos ng La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa P215 milyon ang nawasak na pasilidad pang-turismo at P6 bilyong danyos naman sa imprastraktura.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang relief operation maging ang pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









