Mga aplikante ng PNPA, obligado sa pagsusumite ng medical clearance bago kumuha ng examination

Inoobliga ng pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang kanilang mga aplikante na magsumite ng medical clearance mula sa lisensyadong doktor tatlong araw bago ang Cadet Admission Test ng PNPA.

Ayon kay PNPA Director, Major Gen. Rhoderick Armamento, ang ipatutupad nilang health protocol ay para masigurong ligtas sa COVID-19 ang mga kukuha ng pagsusulit sa darating na March 7 at 8.

Una nang sinabi ni Armamento na tanging mga nakatanggap lamang ng Notice of Examination ang maaaring kumuha ng pagsususlit dahil ang mga ito ang nakapasa sa pre-screening.


Limitado aniya sa 15 tao kada-classroom ang kanilang papayagan.

Aniya pa, hindi rin papapasukin ang mas mataas sa 37.5 ang temperatura, at kailangan din naka-face mask, face shield at may baong alcohol na 70 percent solution ang mga mag-e-exam.

Payo naman ng opisyal sa mga examinees na mag-report ng maaga sa examination area na nakalagay sa kanilang Notice of Exam.

Facebook Comments