Manila, Philippines – Naghigpit ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga aplikanteng OFW na hindi dumaan sa aprubadong recruitment agency.
Mas mahigpit na ang pagbibigay ng Overseas Employment Certificate (OAC) sa mga aplikanteng OFW na direct hiring.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say – bawal sa batas ang direct hiring sa mga OFW maliban na lang kung highly skilled worker ang aplikante gaya ng doktor at nurse kung mapapatunayang kamag-anak ang magiging employer.
Kung ang employer naman ay isang Philippine diplomat at kung aprubado ng kalihim ng ahensya.
Pinaiimbestigahan na ng DOLE ang Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) kung paano nakalulusot dito ang mga direct hired OFW applicants na hindi naman pasok sa exemptions.
Ipinag-utos na rin ang balasahan sa mga opisyal at ilang tauhan sa POEA.