House Speaker Pantaleon Alvarez, handa sa mga isasampang disbarment case laban sa kanya

219

Manila, Philippines – Handa si House Speaker Pantaleon Alvarez na harapin ang mga isasampang kasong disbarment case laban sa kanya.

 

Ito’y matapos aminin ni Alvarez na may girlfriend siya kahit kasal pa.

 

Sa ilalim ng Code of Professional Responsibility ng mga abogado – hindi dapat sila kumilos sa paraang hindi tapat, imoral at mapanlinlang.

 

Ayon kay Alvarez – mamaliitin lamang niya ang mga magkakaso sa kanya.

 

Nilinaw din ni Alvarez – na matagal na silang hindi nag-uusap at nagsasama ng kanyang asawa.


Facebook Comments