Mga ari-arian ng pamilya Marcos na hindi bayad ang buwis, ipasusubasta

Isasailalim sa public auction ng gobyerno ang mga ari-arian ng pamilya Marcos na pinatawan ng buwis na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, medyo matatagalan nga lamang ang proseso dahil kailangan itong mabenta muna sa pamamagitan ng public auction para ma-convert sa cash o maging pera.

Sa ngayon, sinabi ni Dominguez na patuloy na kinakalap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga titulo ng mga ari-ariang ng pamilya Marcos na may pataw na buwis at kailangang singilin.


Samantala, iginiit din nito na patuloy ang paniningil ng BIR sa pamilya Marcos para sa sinasabing higit P200 billion utang nitong buwis.

Ito ay kaugnay sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ahensya dahil sa hindi umano pangongolekta ng utang sa estate tax ng ilang indibidwal.

Facebook Comments