Apat na drug suspek, arestado matapos makuhaan ng mahigit P2-M halaga ng shabu sa Cavite

Huli ang apat na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa GMA, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Dianne Fides Rongavilla Di, Myka Tumang Obias, Rechelle Apion Habab at Julius Nunez Obias.

Sila ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit of Cavite Police Office at GMA Municipal Police Station sa operasyon sa Barangay Maderan.


Nakuha sa mga drug suspek ang ₱2.04 milyong halaga ng shabu.

Pinuri naman ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon dahil sa matagumpay na drug operation ng mga ito.

Facebook Comments