Nagsagawa ng coordinating conference ang pamunuan ng 1st Marine Brigade katuwang ang mga opisyales ng MBLT2 , PNP at mga local chief executives ng bayan ng Lebak at Kalamansig sa lalawigan ng Sultan Kudarat matapos sumalakay ang mga armadong grupo at manunog ng mga heavy equipments.
Sa report na ipinarating sa DXMY, naitala ang insidente madaling araw ng linggo sa bahagi ng Sitio Midpanga Brgy Hinalaan Kalamansig sultan Kudarat partikular sa farmhouse na nakabase ang JanMerC Builders na sinasabing pagmamay ari ng isang Mr. De Ocampo.
Sinasabing tinatayang nasa 20 mga armado na nakasuot ng camouflage uniforms at naka bonnet at lumusob sa lugar at sa di malamang kadahilanan ay pinagsusunog ang limang heavy equipments na kinabibilangan ng (1) unit pay loader. Model: LIUGONG 842, one (1) unit LC 50 pay loader, one (1) unit of transit mixer. Model: CHIANTUI TM9, one (1) unit of dump truck, model: DT73 SADDAM, at one (1) road roller, model: BOHMAG.
Samantala sa bahagi ng Sitio Lower Saniag, Brgy Hinalaan parin sinunog rin ng di natukoy na mga grupo ang isang Backhoe.
Inaalam pa ang kung magkano ang halaga ng mga nasunog na mga heavy equipments at kung sinu ang nasa likod nito.
GOOGLE FILE PIC