Zamboanga Del Sur, Philippines – Nakasagupa ng mga elemento ng pulisya at bantay dagat ang may tatlong mga armadong grupo ng mangingisda sa karagatan ng Barangay Limbayan, Pitogo, Zamboanga Del Sur alas 10 kagabi.
Ayon sa report ng Pitogo Municipal Police Station, nagsasagawa umano ng seaborne patrol ang kanilang tropa nang naaktuhan ang tatlong kalalakihan na ilegal na nangisda gamit ang compressor.
Nakipagbarilan umano ang mga mangingisda na sina Junel Daguman, Narciso Paraiso at Roslie Pinas na nakatira sa Baganian,Tabina sa naturang lalawigan.
Wala namang nasugatan sa panig ng gobyerno habang ang mangisngisdang si Roslie Pinas ay kasalukuyan na ginagamot sa ospital dahil sa natamung sugat.
Facebook Comments