Ito ay sa tulong ng isang dating rebelde na si alyas Frank kung saan narekober ang isang (1) barrel ng M16A1 5.55mm rifle, isang (1) barrel ng M14 7.62mm rifle, dalawang (2) kalibre ng 38mm revolver, at dalawang (2) karton ng mga gamit propaganda ng mga teroristang grupo.
Ayon sa pahayag ni Alyas Frank, ang mga narekober na materyales pang propaganda ay ibibigay sa mga nasa underground na sumusuporta sa mga NPA.
Ito ay kanilang taktika para makapag-recruit ng mga karagdagang kasamahan dahil sa lumiliit na nilang pwersa.
Nasa kustodiya na ng 17IB ang mga narekober na armas at gamit para sa kaukulang disposisyon.
Kamakailan lamang nang makarekober ng mga baril ang kasundaluhan ng 17IB sa bahagi ng San Juan, Rizal, Cagayan sa tulong pa rin ni alyas Frank.
Pinasalamatan naman ni Lt Col Angelo C Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB si Alyas Frank dahil sa patuloy nitong pagtulong sa kampanya ng mga kasundaluhan laban sa insurhensiya.