Mga unibersidad na nagdeklara ng academic break, umabot na sa 126

42

Aabot na sa 126 na unibersidad sa bansa ang nagdeklara na ng academic break sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, pagpasok pa lamang ng Enero 2022 ay may mga unibersidad na ang nagpatupad ng academic break.

Aniya, nasa 123 unibersidad pa ang susunod na magdedeklra ng academic break sa katapusan ng Enero.


Nilinaw naman ni De Vera na hindi na kailangang tugunan ng kanyang departamento ang mga panawagan para sa academic break dahil kusa na itong ginagawa ng mga pamantasan at unibersidad sa buong bansa.

Facebook Comments