Mga Armas ng Mataas na Opisyal ng NPA, Narekober Matapos ang Bakbakan

*Cauayan City, Isabela*- Kamakailan ay nakabakbakan ng 95th Infantry Batalion ang mga rebeldeng grupo na pinaniniwalaang miyembro ng Rehiyon Sentro de Gravidad (RSDG) Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) sa Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela.

Ayon kay Lieutenant Colonel Gladiuz C Calilan, Commanding Officer ng 95th IB, sinabi nito na ang mga narekober na armas ay pagmamay-ari ng ilang kilalang pinuno ng CPP-NPA Terrorist matapos ang ginawang imbestigasyon sa mga ito.

Napag alaman din na ang baril na M653 rifle ay pag aari ni alyas ‘Levy’na isang Political Instructor ng RSDG at dating kalihim ng Vic Baligi Group maging si alyas Desa na isang Political Guidance at asawa ni alyas ‘Brad’ habang ang narekober na M14 rifle ay pag aari naman ni alyas Bombo Agta, ang Squad leader ng nasabing hukbo.


Sinabi naman ni Brigadier General Laurence Mina, Commander ng 502Bde, na ang pwersa ng CPP-NPA ay patuloy na ang paghina matapos igiit ng mga ito na ang kanilang hukbo ay malakas pa.

Inihayag naman ni MGen. Pablo Lorenzo, Commander ng 5ID na ang pwersa ng CPP-NPA sa Isabela ay nagpapakita lamang na ang kanilang grupo ay wala ng ilalaban pa dahil sa pinaigting na suporta ng publiko sa gobyerno upang tuluyan ng tugisin ang mga ito.

Hinihikayat naman ni MGen. Lorenzo ang mga rebeldeng grupo na hindi pa huli ang lahat para magbalik sa pamahalaan at matamasa ang tulong mula dito.

Facebook Comments