Sinira ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang 54 na baril na pag-aari ng mga rebeldeng komunista.
Mismong sina National Security Adviser Clarita Carlos, Defense Officer-in-Charge (OIC) Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., at NTF-ELCAC Executive Director Emmanuel Salamat ang sumaksi sa seremonya sa Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City.
Ayon kay AFP EastMinCom spokesperson Major Alex Mindalano, bahagi ang mga baril sa 4,607 mga armas na nakuha o isinuko sa kanilang area of responsibility mula 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Nabatid na saklaw ng hurisdiksyon ng EastMinCom ang Regions 11, 12, at 13.
Ginawa ang pagsira sa mga baril upang hindi na ito mapunta pa sa maling mga kamay na maaaring magamit sa iligal na aktibidad at krimen.