ASG member, sumuko sa mga otoridad sa Basilan

61

Sumuko ang isang Abu Sayyaf member na nasa ilalim ng yumaong si Furuji Indama sa Basilan.

Kinilala ito na si alyas Tuttuh, 28 taong gulang at residente ng Bohe Suyak, Barangay Sungkayot, Ungkaya Pukan.

Kasama nitong isinuko ang kanyang Caliber 38 revolver.


Kasunod nito, hnikayat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom) commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., ang mga natitirang myembro ng Abu Sayyaf na sumuko na at magbalik-loob na sa pamahalaan.

Ayon sa AFP mula Enero 1 hanggang sa kasalukuyan, kabuuang 24 na Abu Sayyaf members na ang sumuko sa Joint Task Force Basilan.

Facebook Comments