Manila, Philippines – Binuntunan ni Senator Francis Chiz Escudero ng sisi sa pagbaba ng ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga arogante, manhid at walang pakialam na mga opisyal ng kanyang Gabinete at Philippine National Police.
Pahayag ito ni Escudero makaraang bumaba ang trust at satisfaction rating ni Pangulong Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.
Umaasa si Escudero na ang pagbaba ng ratings ay magiging hudyat para gawin ng mga opisyal ang dapat gawin at baguhing mga pagkakamali.
Pangunahing tinukoy ni Escudero na dapat baguhin ang pagiging arogante at kawalan ng pakialam ng ilang government officials lalo na sa mga isyu na may kinalaman sa madugong giyera kontra iligal na droga.
Giit ni Escudero, dapat mas maging sensitibo ang administrasyon lalo na sa buhay ng ating mga kababayan na sangkot sa droga tulak man ang mga ito o hindi.
Ipinalala pa ni Escudero na isang demokratikong lipunan, ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat maging magpagkumbaba dahil hindi permanente at darating din ang katapusan ng kanilang pananatili sa pwesto.
Mga arogante at manhid na mga opisyal ng administrasyon, sinisi ni Senator Escudero sa pagbaba ng ratings ni Pangulong Duterte
Facebook Comments