Mga ASF affected hog raisers sa Lipa City, lumipat muna sa pag-aalaga ng pugo

Lumipat muna sa pag-aalaga ng pugo ang mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Lipa City, Batangas.

Abot sa 1,440 piraso ng layer quails o pugo ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA)-Calabarzon para mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga hog raisers at para makapagsimula muli ng panibagong negosyo.

Bukod sa layer quails, bawat hog raisers ay makakatanggap din ng 50 kilograms ng patuka o feeds, kulungan at isang bag na naglalaman ng veterinary drugs at manuals.


Umaasa naman si Assistant Regional Director for Research and Regulations, and Livestock Program Coordinator Vilma Dimaculangan na makakatulong ito para makarekober ang mga hog raisers sa perwisyong idinulot ng ASF.

Facebook Comments