Chief of Police ng Datu Piang, Maguindanao, sinibak matapos ang pag-atake ng BIFF

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas na sinibak nya sa pwesto ang Chief of Police ng Datu Piang, Maguindanao na si Captain Israel Bayona.

Ito ay matapos ang pag-atake ng mahigit 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Datu Piang kamakailan.

Aniya, ginawa ang pagsibak bilang bahagi ng ginagawang imbestigasyon sa insidente ng binuong Board of Inquiry.


Pero ibabalik rin aniya sa pwesto si Captain Bayona kapag natapos na ang imbestigasyon sa pag-atake.

Kinakakailangan lang na maisailalim sa stress debriefing ang opisyal at ilan nitong tauhan.

Naniniwala si General Sinas na maganda ang pamamalakad ni Captain Bayona sa pagpapatupad ng seguridad sa Datu Piang.

Kaya maari aniyang magdulot ng demoralization sa mga pulis sa lugar kapag tuluyan syang inalis sa pwesto.

Facebook Comments