Para sa mga certified furparents, ito na ang tyansa ninyo na muling buksan ang inyong mga puso at tahanan para sa mga alagang hayop na nangangailangan ng kanilang “furever” homes.
Sa pangunguna ng Animal Kingdom Foundation, gaganapin sa SM Center Dagupan ang Pet Adoption Event, bukas, March 22, ganap na alas diyes ng umaga (10:00 AM).
Ang inisyatibong ito ng nasabing foundation ay isang paraan upang matulungan ang mga aso at pusa na na-rescue nila sa iba’t ibang lugar na makahanap ng mga taong kakalinga sa kanila at ituturing na parte ng kanilang pamilya.
Sa kanilang Facebook post, makikita ang mga aso at pusa na open for adoption kabilang na ang asong si Tinia, na narescue nila noon.
Si Tinia ay isa sa maraming hayop na naapektuhan ng mapangwasak na bagyo na sumira sa Taliptip Island sa Bulakan, Bulacan noong 2020.
Bagamat larawan ng katatagan ang asong si Tinia, nangangailangan pa rin siya ng kalinga at pagmamahal.
Kaya para sa mga interesadong mag-ampon at mag-alaga kay Tinia, at mga kasamang pets for adoption, maaari kayong makipag-ugnayan at dumalo sa event na ito at maging daan upang magkaroon ng mapagmahal na pamilya ang mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨