Mga asymptomatic contact ng mga nagpositibo sa COVID-19, sisimulan na ring suriin

Sinisimulan na ng Department of Health (DOH) na suriin ang mga asymptomatic contact ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang sabihin ng United States na hindi kailangang i-test ang mga walang sintomas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bahagi na ng protocol na maisailalim sa testing ang asymptomatic contacts ng COVID-19 patients.


Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga indibidwal na nagkaroon ng contact sa mga nagpositibo sa virus pero walang sintomas na mag-self isolate para maputol ang transmission.

Facebook Comments