NBA at mga players, nagkasundong bumuo ng social justice coalition

32

Tuloy na bukas ang mga laro ng National Basketball Association (NBA) playoffs.

Ito ay matapos i-boycott ng players ang playoffs bilang pagkondena sa pamamaril ng US police sa isang African-American na si Jacob Blake.


Sa isang joint statement, sinabi nila National Basketball Players Association (NBPA) Executive Director Michele Roberts at NBA Commissioner Adam Silver na napagkasunduan nila ng players, coaches at team governors na bumuo ng social justice coalition.

Kabilang din sa mga napagdesisyunan ang pagkakaroon ng collective efforts at action ng NBA para suportahan ang social justice at racial equality.

Facebook Comments