Mga Asymtomatic sa Lungsod ng Cauayan, Inilipat na sa LGU Quarantine Facilities

Cauayan City, Isabela- Inilipat na sa quarantine facilities ng LGU Cauayan ang mga asymptomatic na COVID-19 patients sa Lungsod na naka-home quarantine lamang.

Sa public address ni City Mayor Bernard Dy, ibinahagi nito na sa kasalukuyan ay may 36 confirmed cases ang Lungsod ng Cauayan at walo (8) dito ay nagpapagaling na at hinihintay na lamang matapos ang kanilang mandatory quarantine.

Mula sa 36 cases ay 13 ang nasa Balay Silangan, 19 sa RHU quarantine facility, 2 sa Punta Amelita sa bayan ng Cordon, isa (1) sa CVMC habang yung iba ay naka-strict home quarantine.


Nilinaw ng alkalde na ang mga naka strict home quarantine ay mga nag negatibo na sa ikalawang swab test at hindi nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 ngunit kinakailangan lamang nilang tapusin ang kanilang mandatory quarantine.

Kaugnay nito, inirekomenda ng mga Doktor na ilipat ang lahat ng mga asymptomatic COVID-19 Patients sa LGU Quarantine facilities upang maprotektahan at maiwasan ang hawaan sa kapamilya matapos na makapagtala ng ilan sa mga positibong kaso ay mga kapamilya at kamag-anak.

Dahil dito umaasa naman si Mayor Dy na macocontain na ang mga positibong kaso sa Lungsod dahil sila ay nasa pangangalaga na ng pasilidad ng lokal na pamahalaan at tuluyan nang mapigilan ang pagkalat o transmission ng virus.

Pinapayuhan naman ang mga naka strict home quarantine na tinatapos ang mandatory quarantine na makiisa, huwag lumabas ng bahay at huwag makihalubilo sa iba hanggat wala pang quarantine clearance na ibibigay ng City Health Office.

Facebook Comments