Mga Atenistang biktima ng sexual harassment, hinikayat na magsampa ng reklamo

Manila, Philippines – Hinimok ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac ang mga Atenistang biktima ng sexual harassment na maghain ng reklamo sa Philippine National Police o PNP.

Ginawa ni Brigadier General Banac ang panawagan matapos na makatanggap ng bomb threat sa social media ang nasabing unibersidad dahil umano sa mga hindi naaksyunang kaso ng sexual harassment ng mga propesor.

Isang mensahe mula sa anonymous twitter account ang nagbanta ng “one big fire” sa Ateneo sa gitna ng pagprotesta ng mga mag-aaral sa umano’y mga kaso ng sexual harassment na nagaganap sa loob ng unibersidad.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Anti Cybercrime group, itinuturing na “hoax” ang naturang twitter message.

Samantala, itinanggi naman ng unibersidad na hindi nila inaksyunan ang mga reklamo ng “sexual harassment” at sinabing sa pitong kaso na inireklamo ng mga estudyante sa kanila sa taong ito, 5 ang nagresulta sa pagka-dismiss ng mga akusadong propesor.

Facebook Comments