Manila, Philippines – Binigyang papuri ng Malakanyang ang lahat ng atletang nakilahok sa 30th Southeast Asian o SEA Games mula sa 11 bansa kung saan dinomina ito ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, lahat ng mga atleta nanalo man o natalo ay maituturing na “pride and honor” ng kani-kanilang bansa.
Sinabi pa ni Panelo na masaya ang mga Pilipino hindi lang dahil tayo ang nanguna sa nasabing sports event pero dahil ang mga atleta mula sa iba’t ibang bansa ay mayroong baong masasayang ala-ala sa Pilipinas na maiuuwi nila sa kanilang bayan.
Tinatayang higit 5,000 atleta mula sa 11 bansa ang nakilahok sa 30th SEA Games na ginanap dito sa bansa mula November 30 at nagtapos kahapon December 11.
Tumabo ng 149 gold medals ang mga atletang Pilipino, 117 silver at 121 bronze o kabuuang 387 medals sa nasabing biennial sports competition.