Mga awtoridad, kinalampag ng grupong Gabriela kaugnay sa pagkawala ng dalawang sugar field workers sa Batangas

Mariing kinondena ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagdukot sa dalawang sugar field workers na sina Alfred Manalo at Lloyd Descallar sa Balayan, Batangas.

Ayon kay Brosas, sina Manalo at Descallar ay volunteer ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform Batangas (SUGAR).

Binanggit ni Brosas na bago mawala sina Manalo at Descallar ay nakikipag-ugnayan sila sa mga sugar workers at planters para matulungan sila na makakuha ng relief assistance mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.


Kasunod ito ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI) sugar mill sa Nasugbu, Batangas.

Diin ni Brosas, nakatanggap sila ng impormasyon na dumaranas umano ng panggigipit mula sa ilang sundalo at pulis sina Manalo at Descallar kaugnay sa isinasagasa nilang konsultasyon sa mga stakeholders sa Batangas.

Bunsod nito ay iginiit ni Brosas sa state security forces na ilutang sina Manalo at Descallar at tuldukan ang umano’y pananakot at pandadahas sa mga ordinaryong mamamayan na nananawagan lamang ng tulong at ayuda.

Facebook Comments