Mga babae, karamihan sa mga bagong recruit ng PNP Special Action Force ngayong taon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mas maraming babaeng recruit ang PNP Special Action Force.

Kabuuang 284 ang na-recruit ng PNP para mapabilang sa hanay ng PNP SAF ngayong taon, 172 doon ay mga babae habang 112 lamang ang mga lalaki.

Sinabi ni Police Senior Inspector Rodget King Ho, ang tagapagsalita ng PNP-SAF, na sa kasaysayan ng PNP-SAF ay ngayon lang mas marami ang babae sa isang batch.


Ang 284 na nanumpa ngayong umaga sa SAF-NHQ sa Bicutan, Taguig ay unang sasailalim sa 6 na buwan na basic recruit course.

Pagkatapos nito ay saka lamang sila isasalang sa commando course na tatagal naman ng 6 hanggang 8 buwan.

Dagdag pa ni Ho na sa ngayon nabuo na ang limang batallion ng PNP SAF na pinare-recruit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments