Mga babaeng pulis at sundalo, lumipad na papuntang Marawi

Manila, Philippines – Tumulak na papuntang Marawi ang 100 mga babaeng pulis at sundalo para sa kanilang mahalagang misyon sa nasabing conflict area.

Bago sumakay ng C130 binigyan ng pagkakataon ang kanilang asawa, anak at iba pang miyembro ng pamilya na makausap at mahagkan ang mga ito.

Naging emosyonal ang karamihan sa kanila pero, sa kabilang banda excited at masaya ang mga babaeng sundalo at pulis dahil magiging tagapag palaganap sila ng kapayapaan sa Mindanao.


Sa sendoff ceremony message ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año, sinabi nitong sa panahon ngayon kung saan mayruon nang gender equality mahalga ang papel ng kababaihan sa lipunan.

Ang mga babaeng pulis at sundalo ay para magkaroon ng feminine touch ang marawi lalot nangingibaw ang mga lalaking sundalo at pulis sa main battle area.

Naniniwala ang AFP na mas magiging madali ang rehabilitasyon sa Marawi dahil mas magiging approachable ang mga babae.

Karamihan kasi ng mga biktima ay babae at mga bata.

Facebook Comments