Mga babaeng pulis na miyembro ng PNP HPG, ipinakalat na rin sa EDSA

Dinagdagan na ng PNP Highway Patrol Group ang kanilang mga tauhan para tumulong sa pagbabantay ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Police BGen. Eliseo Cruz, hepe ng HPG, mahigit 20 mga babaeng HPG ang ipinakalat nila EDSA na magsisilbing dagdag pwersa sa 170 mga HPG personnel na una na nilang ipinakalat.

Aniya,  mahigit 20 babaeng patrollers ay bahagi ng 48 babaeng pulis na sumailalim sa 45 araw na pagsasanay at nagtapos ng kurso na may kinalaman sa trapiko.


Kabilang sa mga itinuro sa kanila ay safe riding at kung paano rumesponde sa mga krimen sa kalsada.

Paglilinaw ni Cruz, hindi maaaring  maniket sa mga pasaway na motorista ang mga babaeng HPG.

Ngunit umaasa si Cruz na magiging malaking tulong ang mga ito dahil iba ang “approach” ng mga babae pagdating sa mga motorista.

Facebook Comments